wika2

Matagumpay na Pagdiriwang

Ipinagdiwang ang Buwan ng Wika noong ika-30 ng Agosto 2016 sa ICF gymnasium na may temang“Flipino: Wikang Karunungan”. Nagsimula ang programa ala-una ng hapon.

Pinangunahan ito ng panalangin na isinagawa ng 4th year Filipino Major, kasabay nito ang pagkumpas ng pambansang awit. Sinundan ito ng presentasyon ng BEED 2nd year, samantala nagbigay naman ng mensahe ang tagapayo ng sangguniang Filipino na si G. Christoper Bainco, ito ay bilang pagbati sa mga mag aaral, guro, at mga opisyales ng ICF na dumalo sa pagdiriwang.

wika3

Napahanga naman ni Carla Tulabot ang mga manonood sa kanyang nakakakilabot at makapanindig balahibong presentasyon sa kanyang pagganap bilang baliw. Matapos nito ipinakilala naman ni Gng. Imelda Pacheco (guro sa Filipino) ang mga bagong halal na opisyales sa Filipino kasabay ng kanilang panunumpa, nagbigay naman ng maikling mensahe ang Dean ng Education Department na si Gng. Evangeline Exiomo.

Simple ngunit matagumpay, ganito kung ilarawan ang Buwan ng Wika 2016.

 

0 replies

Leave a Reply

Want to join the discussion?
Feel free to contribute!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *